You are currently viewing PLP3 ng APEC, hatid ay tulong sa 90 indigent beneficiaries

PLP3 ng APEC, hatid ay tulong sa 90 indigent beneficiaries

Share this:

Isinagawa noong January 15, 2021 ang first batch ng cash payout ng Pantawid Liwanag Program 3 (PLP3) sa Bileco Compound, Brgy. Caraycaray, Naval, Biliran na pinondohan ng Association of Philippine Electric Cooperatives o APEC party-list, sa tulong ng Department of Social Welfare and Development o DSWD Region 8 at ng BILECO.

Sa payout ng nasabing programa, tumanggap ng ₱3,000.00 cash assistance ang mahigit 90 na benepisyaryo mula sa mga distrito ng Kawayan, Culaba, Naval at Almeria. Ito ay pinangunahan ni BILECO General Manager Gerardo N. Oledan at ng SWAD Team Leader ng DSWD Region 8 Biliran Satellite Office na si Gng. Zenaida Cañete at sa tulong na rin ng isa sa mga empleyado ng DSWD RO8 na si Ms. Eloisha Elcarte pati na ng iilang empleyado ng BILECO.

Nagpatuloy naman ang programa noong, January 16, 2021, para sa pamimigay ng cash assistance sa mga benepisyaryo sa mga distrito ng Biliran, Cabucgayan at Caibiran.

Ang programang Pantawid Liwanag ay pinasinayaan ng APEC party-list sa nakaraang taon na may layuning mabigyan ng tulong ang mga miyembro-konsumedor ng mga electric cooperatives sa panahon ng pandemya at inaasahang maipagpatuloy ito ngayong taon at sa susunod pa upang mas marami pang indigent MCOs ang matulungan ng programang ito.

Facebook link: https://www.facebook.com/bilecoofficial/posts/1847101368789090

Leave a Reply